Monday, March 1, 2010

Trip to Pink Sisters Tagaytay.

Sunday Morning, we went to tagaytay to attend mass sa Pink Sisters Convent with my Mom, my dad plus Auntie Jo, Auntie Nalyn and Cristina.

last week, i think mga thursday ata yun, nung nalaman namin yung sa MRI ni mom, super magulo ang mind ng bawat isa sa amin, ako, si papa at yung mga tao sa bahay, coz we dont know what to do next, as in. Ang nasa mind ko lang is to spend more time with my mom and pray harder for her.

Friday, palang we attended mass na sa may MOA, then i told my dad na by sunday we have to go to tagaytay and attend mass sa Pink Sisters convent, then my dad told me na i have to know the schedule nung mass para we know kung what time kami mag mass.

Saturday, dumating yung mga relatives namin to visit my mom, then i told them na by sunday nasa Tagaytay for sunday mass, then mas maganda nga yon sabi nila para makapag pasyal din si mama. 7.00am, 11.00am and 5.00pm yung schedule ng mass sa Pink Sisters, sabi ni papa go for 7am nga daw, naghanda na kami nga mga dadalhin para ready na kami ng sunday morning.

Feeding ni MomMedicine
and yung mga ibang ginagamit ni Mom
Auntie Joan aka Imelda, cooked Adobo for us, then i fixed na our schedule.

We have to wake up early since the mass will start around 7am, so by 4am dapat gising na kami, then by 5 dapat ready na for travel. dumating kami sa Tagaytay around 6.30am, super lamig and parang ang gaan gaan ng pakiramdam. super few pa lang ang tao na nadatnan namin chapel and naabotan namin na pag pray yung mga Pink Sisters, grabee after nila mag pray kumanta sila, ang ganda ng voice nila plus pakiramdam mo angels na kinakantahan ka. grabee.

The mass started around 7.30am. naka realte ako sa homily ni father. na we should in trust our self to him. kaya nung pinakikinggan ko yung homliy, nasabi ko na lang na, yap we should do that, coz si God lang ang nakakaalam ng mga susunod na mangyayari sa buhay natin, dapat trust lang natin sya and we have to accept na lang kung ano ang ibibigay nya sa atin, dahil he knows what is the best for us. Natapos yung mass around 8.30 in the morning, then after that nilibot ko si mama sa Pink Sisters Convent. Mom is very happy to see the Pink Sisters again and the place.

Hay, this sunday talaga si super meaningful for me, bakit? alam ko na na every time na nag pupunta si mama with papa sa tagaytay, dapat lagi sya na daan sa pink sisters convent, as in. kasi as far as i remember sinasabi nya sa akin dati, na she always find way, time just to visit the Pink Sisters, sinabi nya rin sa akin na lagi nya kami pinagdadasal to have good life and good helath. Ako, every time na nasa tagaytay ako, hindi ako dumadaan sa Pink Sisters Convent, kasi una hindi ko alam kung san yun. pero nung nasa tagaytay kami way back 2008 kasama si mama, dumaan kami at nag dasal sa Pink Sisters. Then yung next na punta ko is nung nagsulat sila kay mama nung december para sa petition sa mga petitions nya, sumagot kami at dinala ko mismo yun doon para personal na iabot sa kanila, kasama ko noon si lenz. then ngaun na lang ulit ako nakapunta and this time with my mom, (thank you mom kasi kung hindi dahil sayo hindi ko mapupuntahan ang pink sisters)

Alam nyo, nung sinabi sa akin ni mama na tuwing dumadaan sya sa Pink Sisters kami ang pinag dadasal nya, ngaun ako naman ang mag dadasal para kay mama, dahil kung ano yung dinadasal nya para sa amin ay binibigay sa amin. Lagi naman kasama si mama sa Prayers ko, i think at this point of time, tama na muna yung pang sarili, para kay mama and sa family.

For Mom na sana humaba pa yung buhay nya at makasama pa namin sya ng matagal para maipakita pa namin sa kanya nya how much we love her. masuklian yung mga things na ginawa nya esp for me. i know na naiisip ko lang toh dahil sa situation namin, its not like that, dapat nga dati pa eh, pero makakalimot na ang mga tao ngayon.

For my Family, na sana matanggap namin ng maluwang ang lahat ng trials sa life namin esp. at this point of time, guidance and lakas.

yun lang ang pinagdadasal ko ngayon, pati na rin yung mga same yung pinagdadaanan namin kasama sila sa prayers ko.

Pink Sisters Convent

  • Address
    • Brent Road, Tagaytay City, Cavite
  • Phone
    • 442-3856
    • 442-5203
  • Fax
  • Mass Schedule
    • Daily 6:30 a.m.
    • Sunday 7:00 a.m., 11:00 a.m., and 5:00 p.m.

No comments :

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...