Tuesday, October 2, 2012

I Miss My Mama!!

Grabee ang mga ganap ko sa buhay nitong mga nakaraan na araw, hindi ko maexplain bakit ganito.

Dahil sa wala ako masyado mapagsabihan ng aking dinadala, gusto kung umiyak ng grabee.

Pinanood ko ang vid ni Mama, My Mom's Journey with God, I think this is my way na ilabas talaga ang dapat kung ilabas tulad ng pag iyak. Napanood ko ulit ang mga sinabi ko sa last day nya, at naalala ko bigla ung sinabi nyang "Anak, lakasan mo lang loob mo, magdasal ka at ibibigay nya sayo..." Parang lumakas ulit ang loob ko at parang niremind nya ako na mag pray lang ako and everything will be ok, may be kina kailangan ko lang mag balik loob sa kanya. Alam ko na medyo nakakalimot na ako humingi ng tawad at magpasalamat sa kanya kaya medyo may ganito akong di mapaliwanag na nararamdaman. At ito ang nakikita kung paraan para mag karoon ako ng tina tawag na peace of mind.

Naniniwala ako na kahit wala na si Mama sa paligid namin magkakapatid, nandyan parin sya upang gabayan kami, alagaan at hindi pabayaan.

Ma, alam mo miss na miss na kita, sa panahon ngayon, hinahanap hanap talaga kita para may makwentohan, may makatawanan at may kasamang kumain or mag mall.. Ma, wala kaman sa tabi namin, pero alam namin magkakapatid na nasa puso ko namin. Ma, ikaw ang pag ibig para sa amin, Ma, mahal na mahal kita! Miss na miss na kita. Magkikita rin tayo.


Sent from my BlackBerry® wireless handheld

No comments :

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...