Saturday, July 13, 2013

Kambal Pandesal

Whaaaa ang aga aga ko nagising ngayon.. Nakakaloka!! Oh well kaya siguro maaga is para maging productive ako ngayong rest day ko!

Gising na ako ng around 6am (ang aga) so I went out my fab crib para bumili ng breaky, so itry ko naman yung bagong open na bakery sa looban (Villamor Air Base)

Hindi ako nakaabot sa Pandesal pero infairness masarap at malasang malasa ang Pande Coco nila and Pande Keso, bread pa lang malasa na!

Ngayon ko lang narinig ang Kambal Pandesal, alam nyo ba na ang kambal Pandesal ay concept ng San Miguel Pure foods Company, lahat ng ginagamit nila sa pag gawa ay mula sa San Miguel Pure Foods Product, kaya pala malasa lahat ng tinapay.

Ayun sa aking pagsasaliksik, ang best seller nila na tinapay ang ang Pande Kape na kung saan gawa naman ito sa Kape. Hayaan nyo sa sunod na maaga ako magising i-avail ko talaga yan.

Anyway.. Ang halaga ng mga tinapay ay 5php isang piraso.

Oh well.. For now ito muna and if makakain ulit ako ng ibang tinapay nila,hayaan nyo at ibabahagi ko sa inyo ang aking papanaw! Lol

Happy Sabado
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

No comments :

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...